“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Wednesday, October 18, 2017

Papa Buboy: Actor or DJ?

Mas nakilala man siya sa pagiging kuwelang DJ ng Barangay LS FM 97.1, marami ang 'di nakakaalam na si Papa Buboy ay may ibubuga din sa pag-arte. Justiniano Candado II sa totoong buhay, ilang projects na ang nagawa niya sa telebisyon, pelikula at teatro.
Naikuwento ni Papa Buboy sa GMANetwork.com na napabilang siya sa indie film na Sepulturero kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actor sa Cine Haraya Film Fest at napasama siya sa historical drama nang GMA News TV na Katipunan na ipinalabas noong nakaraang taon.
Inamin niya na kahit passion niya ang acting, mahirap ang mundong pinasok niya dahil hindi stable ang income sa pagiging artista. “Kasi pag sa theatre, pati sa TV ang project mo, per show, after [the] show wala na. So, audition na naman. Parang naisip ko, I have to look for a real job na malapit din dun sa passion ko nga which is acting.
Kaya nung nag-announce sa radyo na naghahanap ang LS FM ng bagong DJ naisipan niya na mag-audition. Dagdag pa ng dating seminarista, hindi na daw siya umasa na matatangap siya dahil ilang buwan din ang lumipas na walang sinasabi kung nakapasa siya sa audition.
Pero after nung project niya na Sepulturero sakto dumating yung magandang balita na siya 'yung napili maging bagong DJ ng LS. Kaya very flattered daw siya for the trust na ibinigay sa kanya kahit ang background lang niya ay acting.
Focused si Papa Buboy sa pagiging DJ kaya prepared siya every time na nasa trabaho. “Tama yung sabi ni Papa Kiko na preparation. I prepare kahit 3 am (ang show ko) pumupunta ako ng Barangay LS ng mga 1 am. Makikita mo ako, hinahanda ko lang 'yung list of songs ko.”
Nagbibigay inspirasyon din kay Papa Buboy na napapasaya niya 'yung mga listeners nang Barangay LS FM at naniniwala siya na malaking responsibilidad ang pagiging DJ.
“Kasi may nainterview ako dati nung nagjournalism student pa ako na DJ. Sabi niya napakalaki ng kapangyarihan ng DJ, lahat ng sasabihin mo paniniwalaan ng tao so napakalaki ng responsibilidad na itama sila.” saad niya.
Sa tanong na kung ano pipiliin niya, ang maging aktor o DJ, sagot ni Papa Buboy “Why would you choose if you can have both…. Naisip ko if ever dadating 'yung point na kailangan pagsabayin, siyempre priority mo 'yung regular job 'yun, pero kung makakasingit ako ng acting isisingit ko”.
Patuloy na subaybayan si Papa Buboy sa Hoy Pinoy, Mondays to Fridays (3am-6am). Kaya mga ka-barangay, Tugstugan Na! For the latest news on Papa Buboy and other Kapuso stars and DJs, visit GMANetwork.com.

GIVE ME FIVE featuring Papa Buboy of Barangay LS FM
Papa Buboy of Barangay LS FM will dazzle you with his boyish charm. Find out his favorite summer destination and more in this special edition of GIVE ME FIVE.
1. GIVE ME FIVE Kapuso actor/actress you want to interview
  • Si Dingdong (Dantes) siguro at pati si Marian (Rivera), 'yung unang dalawa kasi talagang magagaling umarte 'yun. Sam Pinto, Regine Velasquez-Alcasid, Alden Richards
2. GIVE ME FIVE things you want to do in your free time
  • Gusto ko mabalik 'yung running ko kasi tumatakbo ako dati, marathon ganun. Table tennis, play the guitar, play the piano, compose songs
3. GIVE ME FIVE summer destination
  • Coron (Palawan), Boracay, Batanes , Rice Terraces and somewhere in Sulu
4. GIVE ME FIVE Hollywood actor you want to work with
  • Una yung pinaka-idol ko kaso wala na siya si Heath Ledger, Johnny Depp, George Clooney, Arnold Schwarzenegger, The Rock (Dwayne Johnson)
5. GIVE ME FIVE summer food you want to eat
  • Halo-Halo. Halo-Halo lang nasa isip ko kapag summer

- Text by Aedrianne Acar, Photos from GMANetwork.com

No comments:

Post a Comment

Popular