“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Monday, October 23, 2017

Kantutay bilang Halamang Gamot

Ang kantutay (pangalang siyentipiko: Lantana camara (Linnaeus); Ingles: stink grass, coronitas [hango sa Kastila] na nangangahulugang maliliit na mga korona, Spanish flag, red sage, yellow sage, wild sage) ay isang halamang gamot na makikita sa mga tabi-tabi lalo na sa mga probinsiya sa Pilipinas. Nadiskubre ito ng siyentipikong si Dr. Jayson C. Bautista. Mabisa itong gamot sa ubo, lagnat, beri-beri, at beke. Nagtataglay din ito ng mataas na bitamina C na panlaban sa sipon. Sa Tagalog, kilala rin ito bilang lantana (gamit din sa Ingles), diris, at koronitas. Sa Bisaya kilala ito sa tawag na bahug-bahug at baho-baho, samantalang bangbangsit naman sa Ilokano. Sa Kastila pinangalanang itong cinco negritos at coronitas. Ma-ying Tan ang katawagan dito ng mga Tsino. Kabilang ito sa mga sari ng mga Lantana na mga palumpong na maaaring gamiting pambakod.
Ang kantutay o lantana ay isang mababang halaman na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote at mga damuhan. Ngunit minsan, ito rin ay nakikita bilang halamang ornamental sa mga parke, plaza, at mga gilid ng kalsada. Ito ay may mabalahibong dahon at may makulay na bulaklak na may matapang na amoy. Sa ibang lugar, ito ay tinuturing na ligaw na damo.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Kantutay?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kantutay ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang dahon ay may taglay na volatile oil na lantanol. Mayron din itong bicyclic terpene, at l-d-phellandrene
  • Ang balat ng kahoy ay makukuhanan ng lantanine
  • Ang ugat ay may mataas na lebel ng oleanolic acid
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
  • Ugat. Ang ugat ng kantutay ay karaniwang nilalaga at ginagamit sa panggagamot. Minsan, ito ay pinatutuyo muna bago pakuluan.
  • Dahon. Madalas din gamitin ang dahon sa paggagamot sa pamamagitan ng paglalaga dito at pagpapainom sa may sakit. Ginagamit din itong pantapal sa ilang kondisyon sa katawan: pinapahiran lamang ng langis at tinatapat sa apoy bago ipantapal. Maaari din namng dikdikin ang dahon at agad na ipantapal sa kondisyon sa balat.
  • Balat ng kahoy. Ginagamit naman ang balat ng kahoy ng mga sanga ng kantutay sa pamamagitan ng paglalaga nito na maaaring isama pa sa mga pinakuluang dahon. Ito ay maaaring inumun upang makagamot.
  • Bulaklak. Karaniwang pinatutuyo ang bulaklak bago ihalo sa inumin at gamitin bilang gamot.
Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng Kantutay?
1. Pananakit ng ngipin. Ang pinaglagaan ng bagong pitas na ugat ng kantutay ay maaaring ipang mumong ng taong dumadanas ng pananakit ng ngipin.
2. Mga sugat. Nakatutulong naman ang pinaglagaan ng dahon ng kantutay sa mabilis na paggaling ng mga sugat. Ito ay pinanghuhugas lamang sa apektadong bahagi ng katawan.
3. Kagat ng ahas. Pinakukuluan ang dahon ng kantutay upang ipainom sa taong nakagat ng ahas. Ang sapal ng dahon na ginamit sa paglalaga ay pinangtatapal naman sa sugat ng pagkakakagat ng ahas.
4. Trangkaso. Maaaring gamitin ang baong pitas na ugat ng kantutay o kaya ay pinatuyong ugat sa paglalaga at saka ipapainom sa taong may trangkaso.
5. Lagnat. Mabisa sa pagpapababa ng lagnat ang pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kantutay. Maaari din ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak at pag-inom dito na parang tsaa.
6. Tuberculosis. Ang pinatuyong bulaklak ng kantutay ay maaring ilaga at ipainom sa taong may TB na parang tsaa.
7. Dermatits. Ipinangpapahid naman sa apektadong balat ang dinikdik na dahon at sanga ng kantutay.
8. Rayuma. Ang pananakit ng mga kasukasuan ay maaaring mapaginhawa ng pagtatapal ng dahon ng kantutay na pinahiran ng langis at tinapat sa apoy. Makatutulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon.
9. Malaria. Nakatutulong din ang pag-inom ng pinaglagaan ng dahon at ugat ng kantutay sa kondisyon ng malaria.
10. Tetano. Ang impeksyon ng tetamp ay maaaring maibsan ng pag-inom sa pinaglagaan ng mga dahon at sanga ng halamang kantutay.

Panggagamot mula sa Wikipedia
Bilang isang yerbang nakapagbibigay lunas, nagagamit sa mga preparasyon ng mga kagamutan ang mga dahon, balat, ugat, bulaklak at mga dulo ng mga namumulaklak na bahagi nito. Matamis na may kapaitan ang mga ugat ng kantutay na nakapagpapababa ng taas ng lagnat at nagagamit din bilang pampalamig. Malamig sa loob ng bibig ang mga dahon na mainam din para sa mga sakit sa balat. Matamis ang lasa ng mga bulaklak nito na nakapagpapalamig din at nakapipigil na pagdurugo. Bukod sa pagiging panlaban sa sipon, ubo, beke, at lagnat, mahusay din itong panlaban sa malaria, tuberculosis sa cervix. Ginagamit ang mga ugat para panlaban sa lagnat, maging ang balat at mga pinakuluang dahon at mga bahaging namumulaklak. Para sa tuberculosis, bulaklak ang ginagamit. Para sa mga sakit sa balat, kinukuha sa kantutay ang mga sariwang tangkay at dahon. Mainam rin sa rayuma ang nilangisang mga dahon na pinainitan sa mahinang apoy. Itinatapa ang dahon sa bahaging nirarayuma. Ginagamit din ang mga dinikdik na sariwang dahon para sa mga pilay, sugat at nabugbog na bahagi ng katawan.

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

1 comment:

Unknown said...

Pano po ba ito itanim?

Post a Comment

Popular