“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Saturday, November 11, 2017

Larong Unggoy-ungguyan o Pares-pares

Sa totoo lang ay taon na rin ang lumipas ng huli akong humawak ng baraha. Kanina, sa hindi inaasahang pagkakataon nakakita at nakahawak muli ako nito. Dahil sa sobrang init at pagod dala ng paglalaba, tumambay ako sa kubo ng Tito Benjie ko. Kasama ko doon yung mga kapatid kong sina Rose, RG Neil at ang pinsan namin na si Belen. Nang biglang dumating din sina Hannah, nobya ng aking kapatid na wala kanina doon at si Paulo, kaibigan niya. Nagulat ako ng sabihin ng kapatid ko na si RG, laro daw kami ng "tong-its". Laking gulat ko, bakit nalaman niya agad yung gayong bagay, 3 taon lamang siya.
Sa huli, napagkasunduan namin na maglaro nalang ng "UNGGOY-UNGGUYAN o PARES-PARES" total naman ay masaya itong laruin kapag madami. Ngunit, paano nga ba namin nilaro ito kanina? Sa simula, siguraduhin na 52 ang total na bilang ng baraha.
Siyempre, kailangan balasahin ang baraha at magtago ng isang card bago ipamigay sa mga maglalaro. Kanina ay lima kaming naglaro nito. Kailangan magtago ng isang card para may maiwan na isang talo.
Pagkatapos ipamigay ang baraha, ayusin ang mga ito at tignan agad kung may magkaparehong baraha.
Kung may magkaparehong baraha ay ibaba agad ito. Para naman masimulan ang paikot na bunot upang malaman kung sino ang mga mananalo at isang talo.
Ang pagbunot ay paikot hanggang may maunang matapos o wala ng hawak na baraha. Kailangan dito ay mahusay ka sa pagpili ng card para mabilis na maubos ang iyong baraha dahil kung hindi ka magaling sa pagpili, dadami ang iyong baraha at ito ang magiging dahilan ng iyong pagkatalo.
Sa laro namin kanina ay papahiran namin ng pulbo sa mukha kung sino man ang matatalo. Pwedeng gumamit ng kung anong parusa, katulad ng pagpapakain ng kamias, pagpapahid ng uling, iinom ng isang basong tubig na may suka, sisipsip ng kalamansi, sa ganitong paraan nagiging buhay ang larong ito.
Isa itong halimbawa kapag natalo ka. Hindi ba parang pamilyar? Batang may laban. HAHAHA. Pasensya na po sa daliri ko. Katulad ng sabi ko, nagiging masaya ang larong ito dahil mapaglalaruan mo ang mukha ng iyong kalaro.
Syempre, kanina ay gumamit kami ng espesyal na pulbos. Para hindi naman magka-rushes ang matatalo lagi sa game.
Winner ako! Isang beses lang kasi ako natalo. Maraming salamat sa mga taong ito, isa itong patunay na mas masaya padin ang buhay na hindi gumagamit ng teknolohiya, sarili namin kaparaanan upang hindi maburyo sa hapong mainit at nakakapago.

1 comment:

louis said...

baduy

Post a Comment

Popular