“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Wednesday, November 08, 2017

(VIDEO) GMA Network Christmas Station ID 2017


GMA Network Released its 2017 Christmas Station ID

Noong nakaraan araw ay napanood na natin ang kamangha-manghang obra ng GMA Network sakanilang Christmas Station ID ngayong taon na may temang "BUONG PUSONG MAGMAHALAN NGAYONG PASKO". Nagsama-sama ang mga artista ng GMA at personalidad sa likod ng News and Public Affairs upang maghatid ng kasiyahan at bigyan pahiwatig na BUONG PUSONG MAGMAHALAN NGAYONG PASKO. Sila ay bumisita sa iba't ibang lokasyon upang humanap ng mga taong bibigyan nila ng munting kasiyahan nariyan na pumunta sila sa probinsiya para kay Kuya na isang Tour Guide, sa kalsada para sa mga trabahador ng MMDA, sa Wet Market, sa mga guro ng isang paaralan, sa mga commuters hanggang sa mga senior citizen ilan lamang iyan sa mga lokasyon na kanilang pinuntahan. Ang buong video ay hinahayaang madama ng bawat kapusong Pilipino ang tunay na kapangyarihan ng pagmamahal. Nakita rin dito ang mga bagong kapuso na sina Atom at Jason, ngunit napansin din ng karamihan ang hindi pagpapakita sa video nila Regine Velasquez at Willie Revillame.

Marami man ang nagkunot kilay sa bagong Christmas Station ID ng kapuso, mas marami naman ang natuwa at natouch dahil hindi lamang ito nakapokus sa mga artista bagkus ipinapakita dito ang iba't ibang mukha ng buhay sa kasalukuyan.

Sabi nga ng GMA Network sa kanilang Youtube channel, "Hangad nating makapagpadama ng buong pusong pagmamahal sa ating mga Kapuso. Kaya ngayong Kapaskuhan, nagsama-sama ang ating Kapuso artists at news and public affairs personalities upang makapaghatid ng ngiti sa ating mga kababayan. Sama-sama nating panoorin ang GMA Christmas Station ID! At #BuongPusongMaGMAhalan ngayong Pasko!"

Narito naman ang ilang komento mula sa Youtube:
Kapuso Archives - The music video lived up to the song's message. Magbigayan sa kapwa. Let's share love mga Kapuso, not hate. Ignore them, bashers will surely come but let's prove them that we do follow what the network we support preach.
GlenMar - Hindi to Competion sa pagandahan ng Christmas station id .. Meaning ang dapat tutukan. Just give and spread love to others.. Thats the meanig of christmas.. Simply MAGMAHALAN NG BUSONG PUSO
joshsimonlee - Congrats GMA... Ganda ng Christmas Station ID.

No comments:

Post a Comment

Popular