“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Wednesday, November 08, 2017

Meet Baby Talitha Maria Luna-Sotto

Photo by: @chat.luna (IG)
Photo by: chat.luna (IG)
"The moment a child is born, the mother is also born. She never existed before. The woman existed, but the mother never. A mother is something absolutely new." -Rajneesh

Monday, November 6, 2017. Nang ipanganak ni Pauleen ang kanilang unang anak ni Bossing Vic - caesarian section. Kapansin-pansin ang maagang paglabas ni Baby Tali, dahil inaasahan pa lamang ang paglabas nito sa katapusan ng buwan - Novemeber o sa unang linggo sa susunod na buwan - December. Gayon pa man ay maayos na ipinanganak ni Mommy Pauleen ang bata, sa katunayan napakalusog ng bata dahil ang timbang ng sanggol noong isinalang ay 6.9 pounds. Ano man ang mangyari at sa mga lumabas na balita, si Bossing Vic bilang sanay na sa pag-aalaga ng bata ay siyang bahala sa maayos pagpapalaki nito at sa pagpapalit ng lampin.

Matatandaan nung Lunes, sa segment ng Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga ay inanunsyo ni Bossing ang maayos na delivery ni Mommy Pauleen sa isang ospital. Pagkalabas nga nito nung Monday ay sumugod na ang ilang mga Dabarkads para makita ang little princess ng dalawa, at pagkatapos ay ipinost sa Instagram ang ilang kuha sa parte ng katawan ni Baby Tali ngunit hindi ang mukha.

Ngayong Huwebes ay buong puso at ngiting ipinakita ni Bossing sa buong Dabarkads sa buong mundo ang itsura ng kanilang panganay ni Pauleen. ANG CUTE-CUTE! SARAP PISIL PISILIN NG PISNGI.

Photo by: @pauleenlunasotto (IG)
Para kina Daddy Bossing Vic Sotto at Mommy Pauleen Luna Sotto, palakihan ninyo si Baby Thalita Maria Luna-Sotto ng may takot sa Diyos at malusog at masayahing bata, marami pa sanang sumunod dahil mas marami, mas maganda! More babies to come on your journey.

No comments:

Post a Comment

Popular