“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Tuesday, November 21, 2017

Pansit-pansitan bilang Halamang Gamot

Ito ay isang herbal na gamot at kilala din sa tawag na ulasiman-bato, ulasiman-ilahas, singaw-singaw, sida-sida, tagulinaw at tangon-tangon sa ibang bahagi ng Pilipinas, ito ay kilala sa English name na Peperomia, shiny bush, silver bush, clear weed, rat-ear and clear weed.

Isang uri ng ilang na halamang tumutubo sa mga basa at nalililimang lugar, it ay may hugis pusong dahon na salitan ang pag-tubo sa pabilog at makatas na sanga, ang bulaklak nito ay maliliit na pabilog na nahuhulog sa lupa at dumadami.

Ang pansit-pansitan ay isang karaniwan at maliit lamang na halaman na karaniwang tumutubo sa mga tabi-tabi at bakanteng lupa. Ito ay itinuturing na damong ligaw (weeds) sa maraming lugar. Ito ay may dahon na hugis puso, malambot na mga sanga at may maliliit na mga buto na nakadikit sa isang sanga. Ang halaman ay karaniwan sa buong bansang Pilipinas pati na sa iba pang mga bansa sa buong mundo. Maaari ding kainin ang halaman bilang gulay.

ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA PANSIT-PANSITAN?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang pansit-pansitan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Ang mga sanga ng halaman ay may taglay na carbohydrates, alkaloids, tannins, flavonoids, steroids, at triterpenoids. May taglay din na mga mineral, bagaman mababa lamang, tulad ng manganese, iron, zinc at copper, sa dahon ng pansit-pansitan. Ngunit mataas naman ito sa sodium.

ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng. Ang dahon ay karaniwang ginagamit sa panggagamot ang dahon ng pansit-pansitan. Kadalasang inilalaga ito at pinapainom sa may sakit. Ang sanga ay karaniwang hinahalo din sa paglalaga ng mga dahon at pinaiinom din sa may sakit.

ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG PANSIT-PANSITAN?
1. Rayuma. Mabisa laban sa nanakit na mga kasukasuan dahil sa rayuma ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan. Ang pagkain mismo sa dahon at sanga ng pansit-pansitan na parang gulay ay mabisang pang-alis sa kondisyong nararamdaman kaugnay ng rayuma.
2. Urinary Tract Infection (UTI). Pinapainom naman ng pinaglagaan ng dahon ang taong dumadanas ng impeksyon sa daluyan ng ihi.
3. Hindi pantay na kutis ng balat. Ang pagkakaroon ng kaibahan sa kulay ng kutis ay maaaring banlawan gamit ang pinaglagaan ng dahon ng pansit-pansitan.
4. Pigsa. Ang pigsa naman ay maaaring matulungan ng pagtatapal ng dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.
5. Iritasyon sa mata. Ipinangpapatak sa mata na dumadanas ng iritasyon o implamasyon ang katas ng dahon at sanga ng pansit-pansitan.
6. Mataas na cholesterol. Nakatutulong din sa pagpapababa ng cholesterol sa dugo ang pagkain sa mga dahon ng pansit-pansitan.
7. Tagihawat. Para naman sa kondisyon ng pagtatagihawat, pinangtatapal sa apektadong bahagi ng balat ang dinikdik na dahon at sanga ng pansit-pansitan.

Ang dahon at sanga nito ay maaaring kainin, ginagamit ito ng karamihan sa paggawa ng salad at maaaring kainin ng hilaw. Ginagamit din ang pansit-pansitan na gamot herbal sa: Rayuma,Gout, Pigsa, Sugat, Sunog na balat, Pamamaga ng balat, Sakit ng ulo, Sakit ng tiyan, Problema sa bato, Sakit ng lalamunan, Pagtatae, Problema sa pantog, Mataas na dugo, Lagnat, Mental excitement disorder .
-Kalusagan.PH

No comments:

Post a Comment

Popular