Ayon sa Journal of the American Chemical Society, ang luyang dilaw ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng antioxidant, antiviral at antibacterial, anti-cancer at mga sangkap na panlaban sa pamamaga. Ito ay hitik din sa malulusog na mga sangkap tulad ng protina, mg fiber, bitamina C, bitamina E, bitamin K, potassium, copper, iron, magnesium pati na rin zinc. Dahil sa mga salik na ito, ang luyang dilaw o turmeric ay kadalasan ding ginagamit bilang halamang gamot para sa iba’t ibang uri ng karamdaman. Narito ang mga pakinabang ng luyang dilaw sa ating kalusugan:
1. Ang luyang dilaw ay iwas kanser - Ang luyang dilaw ay maaaring makatulong sa pag iwas sa prostate cancer, pigilan ang pagtubo ng kanser sa prostate. Kaya din nitong tuluyang patayin ang mga kanser cells. Maraming mga dalubhasa ang nakatuklas na ang aktibong mga sangkap ng luyang dilaw ay epektibong pang-iwas at panglaban sa mga tumor na dala ng pagkakahantad sa radiation. Tulong din ito bilang pang-iwas sa mga tumor cells tulad ng T-cell leukemia, carcinoma ng colon at suso.
2. Luyang dilaw bilang halamang gamot sa arthritis - Ang kakayahang magpabawas ng pamamaga ng luyang dilaw ay magaling na panlaban sa pananakit na dala ng osteoarthritis at rheumatoid arthritis. Karagdagan pa, ang antioxidants na nasa turmeric ay pangsira sa mga free radicals sa katawan na sumisira sa malulusog na mga cells. Natuklasan ng mga dalubhasa na ang paghihirap na dala ng rheumatoid arthritis ay naiibsan sa pamamagitan ng paggamit ng luyang dilaw dahil sa inaaalis nito ang pamamaga ng mga kasukasuan.
3. Ang diabetes at ang luyang dilaw - Ang luyang dilaw ay maaari ring gamitin bilang halamang gamot sa diabetes dahil may kakayahan itong balansehin ang insulin sa katawan. Pinasisigla rin nito ang epekto ng iniinom mong gamot laban sa diabetes. Kung umiinom ka ng luyang dilaw, tintulungan nito ang iyong katawan na makaiwas sa insulin resistance na maaaring maging sanhi ng Type-2 diabetes. Ngunit, kung ito ay gamitin na kasabay ng malalakas na mga gamot, ang luyang dilaw ay maaari ring maging sanhi ng hypoglycemia o mababang blood sugar. Mas mabuti kung magtatanong sa inyong doktor bago ka gumamit ng turmeric sa diabetes.
4. Ang luyang dilaw ay nakapagpapababa ng kolesterol - Ang mga pag-aaral ay nagpapatunay na ang pagkonsumo ng luyang dilaw bilang sangkap sa pagluluto ay nakababawas sa kolesterol sa katawan. Alam natin na ang sobrang taas na kolesterol ay maaaring maging sanhi ng seryosong mga problema sa kalusugan. Ang pagpapanatili ng tamang dami ng kolesterol sa katawan ay tulong para makaiwas sa sakit sa puso at highblood.
5. Pampalakas ng immune system ang turmeric - Ang turmeric o luyang dilaw ay may sangkap na lipopolysaccharide, na nakakatulong na i-stimulate ang immune system ng katawan. Ang mga sangkap ng halamang gamot na ito ay kilalang pamatay mikrobyo. Ang malakas na immune system ay nagpapahina ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng sipon, trangkaso at ubo. Kung ikaw ay nagka sipon, trangkaso at ubo, mas mabilis kang gagaling sa pamamagitan ng paghalo ng isang kutsarita ng turmeric powder sa isang baso ng gatas at inumin ito araw araw.
6.Mabilis gumaling ang sugat kapag may luyang dilaw - Ang luyang dilaw ay natural na antiseptic at antibacterial agent. Ito ay mabisang gamitin bilang disinfectant. Kung ikaw ay may hiwa o may paso, pwede mong budburan ng turmeric powder ang sugat mo para bumilis ang paggaling. Ang luyang dilaw ay nakatutulong sa pagsasaayos ng nasirang balat. Pwede rin itong gamiting panggamot sa psoriasis at iba pang mga sakit sa balat.
Ang impormasyon ito ay mula sa Halamang Gamot.
Ang impormasyon ito ay mula sa Halamang Gamot.
No comments:
Post a Comment