“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Saturday, October 07, 2017

10: Talumpati para sa Magulang



Magulang hindi isang salita na lagi natin napapakinggang ginugulangan mo angisang tao bagkus ito ay isang salita na napakalaki ng halaga sa atin dahil ito ay isang pananagutan at higit sa lahat isang responsibilidad.
 Pamilya binubuo ng magulang at kinabibilangan din naman ng anak na siyang inaaruga, inaalagaan at higit sa lahat minamahal nila. Ngunit naisip niyo ban a kung gaano kahalag ang ating magulang sa ating buhay? Naisip niyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan, kinalakihan o maulila ng maaga sa kanilang magulang?

Maaaring sa buhay natin mga kabataan ngayon, mas nakakarami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya’y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip kung hinid dahil sakanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ibabaw.
Bawat isa sa atin ay mayroong pinahahalagahan sa buhay kagaya ng kaibigang handang tumulong kung ika’y nangangailangan, kapatid na parating nariyan para ikaw ay protektahan at isang magulang na walang ibang inisip kung hindi ang ating kapakanan.
Isang ina na simula palang sa pagbubuntis, hanggang tayo’y iniluwal at pinalaki na may takot sa Diyos. Isang ama na labis ang ginawang pagtatrabaho ng tayo’y isinilang upang may maipambili lamang ng gatas, dayaper at ng mga gamot kung ikaw ay may karamdaman. Mga magulang na handang maghira at gawin ang lahat para sa kapakanan ng kanilang mga anak. Masarap magkaroon ng magulang na nagmamahal sa’yo, tutulong sa mga problema at oras na pumapatak ang luha dahil sa kabiguang naranasan nariyan sila upang patahanin ka.
Pero ngayon, hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palakihin ng may magandang kinabukasan at may takot sa Poong Maykapal. Ngunit, paano kaya kung dumating ang oras na magkasakit at maratay sila sa banig ng karamdaman?

Huwag sana tayong magsawang alagaan sila, tayo bilang anak ay kailangan gawin ito gaya ng ginawa nila sa atin nung tayo ay bata pa dito lang tayo makakabawi sa lahat ng ginawa nilang mabuti sa atin. Kaya ngayon habang kapiling pa natin an gating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang pagmamahal na kailangan nila. Iparamdam natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay at matutong magpasalamat sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa sila. Sabihin natin sa kanila na, “mahal na mahal ko po kayo, inay at itay! Nagpapasalamat po ako na ikaw ang aking naging magulang”.
Mabilis ang panahon, kaya taong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin sila. At lagi natin tatandaan, ang lahat ngayon sa ating buhay ay hindi natin makakasama ng pangmatagalan pero ang ating magulang at pamilya ay hindi kailanman tayo iiwan. Maraming salamat.
Hindi man tayo perpektong anak, subukan natin maging masunurin. Gawin natin ito hindi lang para sa sarili natin kung hindi dahil gusto natin makabawi sa lahat ng nagawa nila para sa atin.

No comments:

Post a Comment

Popular