“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Thursday, September 21, 2017

1: PA-HAP-YAW

*Ito ang buo kong pamilya. (Left-Right: RG Neil, Me, Rose, Papa, Mama with Rhea, Ranniel, Reymark)
Ako si Rogelio Burgos Tarroza, 20 taong gulang sa kasalukuyan. Ako ay nagmula sa probinsiya ng Bataan sa bayan ng Mariveles.
  1. Paboritong ulam: Kare-kare
  2. Paboritong kulay: Kahel
  3. Paboritong isda: Bangus
  4. Paboritong alagaan: Gold fish at Aso
  5. Paboritong k-drama: Jealousy Incarnate at Chicago Typewriter
  6. Paboritong Koreano: Jo Jung-suk at Go Kyung-pyo
  7. Paboritong artistang Pilipino: Alden Richards, Maine Menodoza, Marian Rivera, Angel Locsin, Mccoy de Leon, Enrique Gil, Ding-dong Dantes, Richard Gutierrez, Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Barbie Forteza.
  8. Paboritong komedyante: Jose, Wally, Vice Ganda, Tekla, Allan-k at Donita.
  9. Paboritong programa sa telebisyon: 24 Oras, I-witness, I Juander at Investigative Documentaries.
  10. Paboritong istasyon sa radyo: Barangay LS 97.1 FM
  11. Paboritong DJ: Papa Buboy
  12. Motto: Love is dangerous if you're not serious.
Ang aking ama ay si Rogelito B. Tarroza, isinilang at lumaki na rin siya dito sa probinsiya, ang aking ina naman ay si Elgie B. Tarroza katulad ng aking ama ay laking probinsiya rin siya. Ako ay panganay sa 6 na magkakapatid. Ang pangalan ng aking mga kapatid ay sina Reymark, Ranniel, Rose Mary, RG Neil at Rhea May.
Pamilyang hindi man lumaki sa karangyaan, mayaman naman sa pagmamahalan at kasiyahan, isang yaman iyun na hindi mabibili saan man.
 
Ako ay nagtapos ng elementarya sa Cabcaben Elementary School, taong 2009.2013 naman ng makapagtapos ako ng sekondarya sa Mataas na Paaralan ng Mariveles - Cabcaben na may iba't ibang pagkilalang natanggap. Isa na dito ay ang pagkapanalo sa Science Investigatory Project (Life Science), 3rd Place sa buong division ng Bataan.Ika-14 ng Hunyo, taong 2017 naman ay nakuha ko ang aking degree sa Bachelor of Secondary Education major in Filipino sa Bataan Peninsula State University - Campus. 

No comments:

Post a Comment

Popular