“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Tuesday, December 05, 2017

TIPS PARA SA MGA HIRAP MAGBUNTIS NG ISANG EKSPERTO

Ang pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap ng isang magkapareha. Ang anak ay ang bunga ng pagmamahalan ng isang magkapareha na bubuo sa isang kumpletong pamilya. Ngunit sa kasamaang palad, may ilang mga magkapareha na tila baga nahihirapang makabuo ng anak. Malungkot man isipin ngunit ito ang katotohanan.

Upang mapataas ang posibilidad ng pagbubuntis, narito ang ilang mabisang tips mula sa mga ekperto.

1. Magpasuri sa doctor - Ang pangunahing hakbang para sa mga pares na hirap makabuo ang anak ay ang pisikal na pagpapatingin sa doktor. Mahalaga ito upang matukoy kung mayroong problema sa kalusugan ng isa man sa magkapareha, problema sa kalusugan na nakakaapekto sa abilidad na pagbububuntis. Bukod pa rito, mabibigyan din ng doktor ang pagkapareha ng ekpertong payo na tiyak na makatutulong sa kanila sa pagbuo ng anak.
2. Makipagtalik sa tamang panahon - Mas mataas ang posibilidad ng pagbuo ng anak kung gagawin ang pakikipagtalik sa panahon kung kailan lumalabas ang itlog (egg cell) ng babae mula sa obaryo. Ang panahon na ito na tinatawag na ovulation period ay nakapaloob sa 28-31 na araw ng menstrual cycle ng mga babae. Ang ovulation period ay kadalasang nagaganap pagkatapos ng 7 araw mula sa huling araw ng pagreregla.
3. Ang mga lalaki ay maglaan ng 2 hanggang 3 araw na pagitan sa bawat pagpapalabas ng semilya - Hindi rin mabuti na araw-arawin ang pagpapalabas ng semilya ng mga lalaki. Ito’y sapagkat kailangan din ng katawan ng lalaki na mapalitan ang semilya na inilabas. Upang makasiguro na sapat ang dami ng semilya na ilalabas, bigyan ng 2 hanggang 3 araw na pagitan ang bawat pagpapalabas.
4. Umiwas sa stress - Ang stress ay tiyak na nakakaapekto sa kalausugan sa pangkalahatan. Kabilang na dito ang kakayanan na makabuo ng anak. Halimbawa, ang libog o libido na nararamdaman ng magkapareha ay maaaring mawala kung masasabayan ng stress.
5. Huwag hayaang mainitan ang ari ng lalaki - Ang mga semilya ay sensitibo sa init, maaaring mamatay ang mga semilya kung maapektohan sila ng pagtaas ng temperatura. Ito ang dahilan kung bakit nasa labas ng katawan ang itlog (testes) ng lalaki at nababalot lamang ng bayag sa halip na nakapasok sa loob ng katawan.
6. Huwag madaliin ang pagtatalik - Bigyan ng oras at huwag madaliin ang pakikipagtalik. Mas marami ang mailalabas na semilya gayundin ang orgasmo ng babae kung ang pagtatalik ay gagawin nang buo at hindi minamadali.
7. Iwasan ang masasamang bisyo—sigarilyo, alak, droga. - Ang mga masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, pati na ang paggamit sa mga nakakasamang droga ay may direktang epekto rin sa abilidad ng magkapares na makabuo ng anak. Ang hormones ay maaring maapektohan at mapaliit ang posibilidad ng pagbuo ng anak.
8. Subukan ang ibang posisyon - Ang posisyon sa pakikipagtalik ay may epekto rin sa kakayanan na makabuo ng anak. Maaaring hindi umabot sa loob ng matres ng babae ang semilya at tumulo palabas kung mali ang posisyon na ginagawa.
9. Panatilihin ang malusog na pangangatawan ng magkapareha - Ang pagkain ng balanse at masusustansyang pagkain, gayundin ang regular na pag-eehersisyo, ay hindi nawawala sa mga tips ng doktor. Ito’y sapagkat talaga namang nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, kabilang na ang abilidad na makabuo ng anak.
10. Iwasan ang basta-bastang paggamit ng mga pampadulas - May ilang magkapareha na gumagamit ng mga pampadulas sa kanilang pakikipagtalik. Ang paglangoy ng semilya papasok sa matres ng babae ay maaaring maapektohan kung basta bastang gagamit ng mga ito. Kung nais gumamit ng pampadulas, tiyakin na rekomendado ito ng doktor.
Source: Kalusugan.PH

1 comment:

Anonymous said...

Tips Para Sa Mga Hirap Magbuntis Ng Isang Eksperto - Arbiemazing Spot >>>>> Download Now

>>>>> Download Full

Tips Para Sa Mga Hirap Magbuntis Ng Isang Eksperto - Arbiemazing Spot >>>>> Download LINK

>>>>> Download Now

Tips Para Sa Mga Hirap Magbuntis Ng Isang Eksperto - Arbiemazing Spot >>>>> Download Full

>>>>> Download LINK

Post a Comment

Popular