“We were the people who were not in the papers. We lived in the blank white spaces at the edge of print. It gave us more freedom. We lived in the gaps between the stories.”
—Margaret Atwood

Thursday, September 21, 2017

4: ALDUB YOU - MAALDEN KITA! (BA-LIK-TA-NAW)

Minsan nanood ako ng Eat Bulaga
May isang Yaya na ubod ng ganda
Yaya Dub ang pangalan niya
Ngunit, parang ‘di uso ang ngumiti sakanya
Pero, ako parin sakanya ay humahanga!.
Dumaan mga araw ako’y nagtaka
Mga simangot at taray sakanya nawala
Kaya naman pala, si Alden sakanya’y nakatulala
Tama! Alden Richards, Pambansang Bae at Dimple ng Masa.
Mukhang hindi maipaliwanag nung una ni Yaya
Napalitan ng mga kilig at tawa
Yan’ na si Yaya nadagdagan pa ang pag nga-nga.
Hanggang nabuo ALDUB na grupo
Wala ng makatitibag kahit na sino
Lahat ay may pagkakaisa dito
Upang sa Twitter World masunod ang gusto
Mensahe para sa lahat, ituloy lang natin ito
Walang bitawan hanggang sa dulo
Sana nga lang madagdagan pa ang kanilang pagtatagpo.

No comments:

Post a Comment

Popular