Ang paggamit ng halamang gamot sa diabetes ay hindi na bago. Subalit ang pagiging sikat ng halamang gamot sa diabetes ay lalong nag ibayo dahil sa mga kamakailang pagaaral na kumumpirma ng pagiging mabisa ng mga halamang gamot para lunasan ang sakit na diabetes.
Ang diabetes ay isang pang habang buhay na sakit na kung saan hindi na kayang kontrolin ng katawan ang pagdami ng blood sugar sa dugo. Ang dahilan ng pagkakaroon ng diabetes ay ang kawalan ng kakayahan ng lapay o pancreas na magpalabas ng insulin. Ang lapay ang organo na responsable sa paggawa ng insulin, ang sangkap na komokontrol sa dami ng asukal sa dugo.
Kahalagahan ng Halamang Gamot sa Diabetes
Ang ilang salik tulad ng pagiging sobra sa timbang, kakulangan sa tamang ehersisyo at pagkakaroon ng mga kapamilyang may diabetes ay siyang dahilan ng ganitong sakit. Dahil sa ang diabetes ay hindi na maaalis sa isang pasyente, ang isang indibiwal na may ganitong sakit ay nangangailangan ng ibayong pagiingat para makontrol ito habambuhay. Ang istriktong pag pili ng mga kinakain, sistematikong programa ng pag eehersisyo, regular na pag monitor sa dami ng asukal sa dugo ay ilan lamang sa mga dapat isama sa pang araw araw na mga gawain.
Ang maingat na patiunang pagpaplano ay kailangan upang makaiwas sa seryosong mga komplikasyon na dala ng pagkakaroon ng diabetes tulad ng stroke, sakit sa bato, pagkabulag, pagkasira ng mga ugat at atake sa puso.
Karamihan sa mga taong may diabetes ngayon ay interesado sa paggamit ng natural na pamamaraan ng paggamot tulad ng paggamit nga halamang gamot sa diabetes. May mga halaman kasi na may kakayahang pababain o kontrolin ang dami ng asukal sa dugo. Ang paggamit ng halamang gamot sa diabetes ay gingamit na ng mga tao mula pa noong taong 1550 BC.
Maraming halamang gamot ang napatunayang epektibo sa pagpapababa ng asukal sa dugo, sa natural na pamamaraan. Sa pamamagitan ng makabagong mga pag aaral na unti unting nagbibigay ng liwanag sa tamang gamit at epekto ng mga halamang gamot at nutrisyon, ang paggamit ng halamang gamot sa diabetes ay unti unti ring naging sikat.
Naglista kami ng ilang mga halamang gamot sa diabetes na pangkaraniwang matatagpuan dito sa Pilipinas.
Ang mga dalubhasang naatasan ng pamahalaan para suruin ang mga kakayahan ng ampalaya ay nagpatunay kumumpirma sa kakayahan ng ampalaya na magpababa ng asukal sa dugo (bloodsugar). Ang amplaya ay nagtataglay ng iba’t ibang sangkap na may kakayahan katulad ng insulin. Ang maganda pa rito, ang ampalaya ay walang side effect. Ang pagkain ng ampalaya araw araw o pag inom ng katas nito ay sinasabing nakapagpapababa ng blood sugar. Paano ba talaga nakapagpapababa ng blood sugar ang amplaya? Ang bunga ng ampalaya ay may hindi bababa sa tatlong aktibong mga sangkap na may kakayahang labanan ang diabetes. Kasama sa mga sangkap na iyan ang charantin, isang sangkap na kompirmadong may kakayahang magpababa ng blood sugar, ang vicin at ang polypeptide-p, isang kemikal na kahawig ng insulin. Ang mga sangkap na ito ay maaaring nagtutulungan para mabawasan ang asukal sa dugo ng pasyenteng may diabetes. Ang ampalaya ay naglalaman din ng sangkap na lectin. Katulad ng mga nabanggit na, ang sangkap na ito ay nagpapababa ng konsentrasyon ng asukal sa dugo at nagpapabawas ng gana sa pagkain, kapareho ng epekto ng insulin sa utak ng tao. Ang lectin ay siyang itinuturong pinakaepektibong sangkap ng ampalaya laban sa diabetes.
Ang cinnamon, na isa ring pangkaraniwang sangkap na mabibili dito sa Pilipinas ay napatunayan ding nagpapababa ng asukal sa dugo. Pinalalakas nito ang kakayahan ng sistemang panunaw ng katawan anupa’t mabisang natutunaw ng sikmura ang asukal sa pagkain. Sa pamamagitan ng paghalo ng cinnamon sa iyong pang araw araw na pagkain, maaari kang mgtagumpay sa pagsisikap mong makontrol ang type 2 diabetes. Bagaman hindi pa gaanong napagaaralan ang cinnamon bilang halamang gamot sa diabetes, wala namang masama kung susubukan mong kumain nito araw araw. Tandaan lamang na may mga taong allergic sa cinnamon at sobrang pagkain nito ay maaaring makasugat sa bibig mo. Katulad ng ibang mga food supplement, kailangan mong makipag usap sa doktor mob ago mo ito lubos na asahan bilang halamang gamot sa diabetes. Tumigil agad sa paggamit nito kung mapansin mong may side effect saiyo ang pagkain nito araw araw. Kung walang pagbabago sa dami ng asukal mo sa dugo sa loob ng ilang linggong pagkain ng cinnamon, huwag kang gaanong manghina, maging masaya ka na lamang sa masarap na lasa nito at subukan ang susunod sa aming listahan.
Ang sambong ay isa sa mga mahahalagang halamang gamot na ginagamit ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop. Sa katunayan, tulad ng amplaya, isinama ito ng Department of Health sa sampung mga halamang gamot na aprobado ng pamahalaan upang ipanggamot sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman. Ang halamang gamot na ito ay tumutulong na pabagalin ang pag-absorb ng katawan sa carbohydrates at pinalalakas nito ang kakayahan ng lapay na magpalabas ng tamang dami ng insulin. Pwede mo itong gawing tsaa sa pamamagitan ng paglaga sa dahon nito. Imbes na uminom ng kape sa umaga, maaari mong subukan ang tsaang gawa sa sambong.
Ang banaba ay karaniwang makukuha sa Pilipinas. Ito ay maaaring gamitin bilang halamang gamot sa diabetes. Ito ay dahil sa mga sangkap na nakapaloob sa banaba tulad ng corsolic acid, tannin, at agerstroemin. Ang mga kemikal na ito ay kilala na kahawig ng insulin sa pagpapababa ng asukal sa dugo. Maaari mong lagain ang dahon at balat ng kahoy na banaba.
Mga paalala bago gumamit ng halamang gamot sa Diabetes
Ang lahat ng mga kwento na nagsasabing sila ay na napagaling ng pag inom ng isang partikular na halamang gamot ay dapat na maiging pag isipan bago gayahin. Ang mga halamang gamot na ihinanda sa loob ng bahay ay hindi nasuri o nasukat ng ga dalubhasa, kaya mahirap na masigurado kung ito nga ba ay naglalaman ng mga aktibong sangkap na napag usapan natin. May ilang babasahin na hindi nagsasabi ng totoo hinggil sa mga side effect o panganib ng pag inom ng isang uri ng halamang gamot sa diabetes. Tandaan, kung nagdisisyon ka na gumamit ng isanf partikular na uri ng natural na paggamot, responsabilidad mong pag aralan muna at timbangin ang magaganda at masasamang epekto nito.
Source:Apat Na Halamang Gamot Sa Diabetes ni Joselito Ocampo ng Halamang Gamot Website